Monday, August 30, 2010

Filipino Values and Attitude

Filipino Values and Attitude
 
How do you react on what you have seen in the television and read in the news paper?  Though I work in the Kingdom of Saudi Arabia , I received a copy of tabloids through email everyday and what I have noticed? Mostly, bad news!  And the ways some of the journalist, writers and ordinary people respond even in good news? DAH………….
 
 I heard and read a lot of criticism to what happen last august 23, 2010.  I did not see the live coverage of the hostage drama, because I was in the office that time.  Partly, I’ve seen it because that night the only topic in the news was the incident which already covered almost the whole day.  Nevertheless, at least I got an idea of what really happen.
 
As expected, I heard nothing but reproach from our so called “critics”, the denunciation to the hostage taker, negotiator team, bystander and off course to the media. 
 
Another issue was the final question and answer of Ms. Philippines , Venus Raj, in the Ms. Universe pageant held in Las Vegas Nevada last August 24, 2010.  I thought since she ranks in the said pageant, the mood of the Filipino people will change.  Again, what I have read in the news paper and heard in the television, disapproval of her answer in the final question.
 
There is this writer in one of the tabloids, the title of his article “Venus Raj, bigo na ma-conquer ang Universe”. I ask my self “Did Venus loss in the pageant?” I don’t want to criticize.   But it took my attention while reading the tabloid.
 
            I want to challenge those people who criticize Venus Raj to audition in a pageant.  Let us see if you will be “qualified” as one of the “contestants”.  To realized if you really have the right to criticize. 
 
            Two different story and yet they got the same criticism.  Is this the kind of values and attitude Filipino have?  Instead of criticizing people in their act and in what’s happening in our country, why not speak of the positive things?  Think of its positive side.  Contribute instead of denunciation.
 
Philippines have a bad image nowadays especially in the tourism.  If we will not be responsible in our own little way, nothing will change in our country and we will be left behind by other Asian countries.

Buhay ng OFW

Buhay ng OFW
 
Mahirap mag trabaho sa ibang bansa.  Pero mas mahirap na nakikita mo ang iyong pamilya na nahihirapan sa buhay.  Hindi pwedi ang sapat lang na kinikita ng isang padre de pamilya para buhayin ang kanyang pamilya.  Kaya marami sa ating mga kababayan ang pumupunta sa ibayong dagat para magtrabaho.
 
Being an OFW is not easy as other people think.  Nandyan ang pangungulila mo sa mga mahal mo sa buhay.  Nandyan yung kailangan  mong magtimpi para maiwasan ang pakikpag away sa mga ibang lahi.  Makisama kahit sa kaninong mga tao.  Kailangang tiisin ang marangyang buhay na pwedi tamasin habang ikaw nasa ibang bansa, sa halip lahat ng kinikita mo kailangan ipadala sa mga mahal mo sa buhay.
 
Akala ng mga ibang tao madali, maganda, masagana at masaya ang buhay ng isang OFW.  Dahil lamang sa nakikita nilang mga masasayang larawan na pinapadala sa kanila o nakikita nila sa mga web site ng iba’t ibang social networking.  Ang hindi alam ng karamihan sa likod ng mga magagandang ngiti sa larawan.
 
Isa akong office staff sa isang construction company dito sa Saudi Arabia .  Mula ng mapunta ako dito sa kaharian ng mga arabo, naka dalawang project palang ako.  Marami kaming mga pinoy dito sa kumpanya namin.  May mga bata pa na gaya o mas bata sa akin.  Meron na ring medyo tumanda na at merong ding matanda na at ayaw pang mag retiro.
 
Marahil, yung iba naiisip nating mga kababayan iniisip nila kaya di umuuwi o nag reretiro yung mga ibang kasama namin na tumanda na dito dahil maganda at masarap ang buhay namin.  Lingid sa inyong mga kaalaman nagtitiis lamang sila dahil dipa napapatapos ang kanilang mga anak.
 
Isa sa pangunahing trabaho ko dito ay bisitahin ang construction site.  Para makita kung ano na ang progreso sa project.  Kailangan gawin dahil parte ng trabaho.  Pagka nag-iikot na ako sa site, naawa ako sa mga kapwa ko Filipino na nagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw.  Hindi alintana sa kanila kung gaaano kainit at kahirap ang trabaho nila.  Ang importante, may maipadalang pera buwan-buwan sa kani kanilang mga pamilya.
 
Minsan, pagka nag-iikot ako, sinusubukan kong makipag kwentuhan sa kanila habang nagtatrabaho.  Lagi kong sinasabi ang init, mabuti nakaka yanin nyo?  Ang sagot lamang nila “kailangan” at isang matamis na ngiti habang tinitignan ka.
 
Ayos sana kung ang matinding sinag ng araw lamang ang tiniis nila.  Meron pang mga araw na napaka lakas ng sand storm.  Pasalamant nalang kung na suspend ang trabaho pagka malakas ang sand storm pero malaking sakripisyo pagka hindi pinatigil.
 
Pagka nakikita ko gabi gabi ang mga kasamahan kong mga pinoy, Makikita mo sa kanila ang tindi ng pagod.  At makikita mo nalang sa mukha nila na gusto na nilang mahiga at magpahinga.  Pero, kailangan pa nilang maglaba ng kani kanilang mga damit.  Meron pa nga sa mga kasama ko, inbes na magpahinga pagka tanghalian, naglalaba nalang sila upang pagka uwi nila sa kinagabihan, maglinis nalang ng katawan at matulog nalang ulit dahil isang nanamang umaga ang naghihintay sa kanila kinabukasan.
 
Ilang na ring tatay ang mga nakaka sama ko dito.  Nagiging malapit ako sa kanila.  Misan pati mga personal na nilang mga buhay naku kwento na nila sa akin.  Pati mga hinanakit nila sa kanilang mga anak.  Pero lahat tinitiis nila para lang mabigyan sila ng mga magandang buhay.
 
Bago pa ako nakaarating dito sa Saudi, may mga kaibigan akong at kilala na ang kanilang mga magulang ay nasa abroad.  Madalas nakikita ko silang kumakain sa labas.  Nood ng sine at mag shopping.  Akala ko nun madali lang ang magtrabaho sa ibang bansa.  Ang ganda kasi ng buhay nila.  Ang dali nilang gumasta ng pera.
 
Ang masakit pa, lahat-lahat na ng hirap at pagtitiis ginagawa na naming mga OFW para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga pamilya ang problema may mga anak na di naka tapos ng pag aaral. Tanging yun lang naman ang magandang reward ng isang magulang nag hahanap buhay sa ibang bansa ang makita ang kanilang mga anak na naka tapos ng pag aaral.
 
Sa lahat ng mga makakabasa nito, mahirap ang buhay na isang OFW.  Hindi dahil nakikita nyong naka ngiti sa mga larawan na may masarap na pagkain, ay masarap ng ang aming buhay.  Minsan kailangan lamang ipakita na masaya kami para lang di kayo masyadong mag alala sa amin.
 
Sapat na yung alalahanin kami, hindi lang sa araw ng sweldo. Kung di sa bawat araw na lumilipas.  Bilhin lamang ang kailangan at hindi yung gusto lang at tapusin ang pag aaral.  Yun lang naman.

Sunday, August 29, 2010

Hostage Drama

isang lingo na nakakaraan ng mangyaring ang halos 12 hours na hostage drama na naganap sa pilipinas.  halos araw -araw laging laman ng balita sa telebisyon at maging sa mga pahayagan. maraming mga batikos na natanggap ang ating pamahalaan mula sa mga ibat ibang nasyon.  malaki ang naging epekto nito sa ating bansa.  kailangan nating magtulungan.  nangyari na ang dapat mangyari.  sanaĆ½ matuto tayo sa ating mga pagkaka mali, kailangan ipakita nating mga pilipino na mali ang iniisip nila tungkol sa ating mga filipino.  ipakita natin na di lahat ng mga filipino eh kagaya ng hostage taker.  kailangan din tayong magpakumbaba at wag ng patulan kung ano man ang mga pangit na naririnig natin sa mga ibang lahi.

Saturday, August 28, 2010

Mga Kababayan

kagagawa ko lang ng account na ito, sa lahat ng mga gusto magbigay na sariling mga opinyon sa mga nangyayari sa ating bansa at kung gusto nyo ring mag bigay na inyong mga suggestion para sa ikabubuti ng ating bansa, baka sa pamamagitan nito ay marinig ang ating boses na mga OFW....