Wednesday, June 12, 2013

Panawagan Para sa Ating Pangulo ng Pilipinas

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng National Statistics Office, pumalo ng 2.2 milyong ang mga nag tatrabaho sa iba’t ibang bansa mula Abril hanggang Setyembre ng nakaraang taon.  Ang nangunguuna dito, Saudi ang pinaka maraming mga OFW.  Inabot na 156.3 bilyong piso ang inabot ng mga padala ng mga Filipino OFW na gaya ko, sa parehong buwan.  Napaka laking tulong na naidulot ng mga remittance naming mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon sa ulat na nabasa ko, nais pang palakasin ang palitan peso kontra dollyar. Maganda ang layunin an gating Gobyerno mahal na Pangulo.  Ngunit kung napapansin natin, ang presyo ng basic commodities and hindi naman bumaba datapwat meron pagbaba pero madalas tumataas ang mga ito.  Sino ang unang apektado sa paglakas ng peso kontra dolyar at pag taas ng mga presyo ng bilihin? Kaming mga OFW na piniling mapalayo sa aming mga pamilya.

Bigyan nalang po natin ng halimbawa, noong 2007 ang palitan ng riyals ay di bumababa ng 11.20 kada riyals.  Mainam ito, kung nagpapadala ang isang OFW na 2000SR meron siyang halos 22,000 PHP.  Kumpara ngayon, ang palitan ay 10.80 kada riyals so ibig sabihin meron nalang 21,600 PHP ang isang OFW.  Paano pa kung lalakas pa ang Piso kontra dolyar lalong baba ang value ng pinapadala namin.  At kailangan na naming dagdagan ang padala para matustusan ang gastusin ng mga pamilya namin.  Paano na ang pag-aaral ng mga anak ng mga OFW na alam naman natin na hindi bumaba ang presyo ng tuition fee kung di pataas ng pataas, ibig sabihin kahit kaming mga OFW baka mahirapan ng patapusin mg anak namin?

Isang halimbawa lamang yan Mahal na Pangulo. Marami din sa aming mga OFW hindi nataasan ng sahod, minsan nababawasan pa yung mga Overtime namin na tanging panghatak para may malaking maipadala sa Pilipinas.

Nais lang naming mangyari, kung tinuturing ninyo kaming mga bagong bayani, sana matulungan kaming bigyan ng special exchange rate.  Malaking tulong ito lalo sa aming pamilya kung ang palitan ng riyal sa peso ay hindi na baba pa sa Php11.00 kada riyal o Php41.25 kada dolyar.


No comments:

Post a Comment