Buhay ng OFW
Mahirap mag trabaho sa ibang bansa. Pero mas mahirap na nakikita mo ang iyong pamilya na nahihirapan sa buhay. Hindi pwedi ang sapat lang na kinikita ng isang padre de pamilya para buhayin ang kanyang pamilya. Kaya marami sa ating mga kababayan ang pumupunta sa ibayong dagat para magtrabaho.
Being an OFW is not easy as other people think. Nandyan ang pangungulila mo sa mga mahal mo sa buhay. Nandyan yung kailangan mong magtimpi para maiwasan ang pakikpag away sa mga ibang lahi. Makisama kahit sa kaninong mga tao. Kailangang tiisin ang marangyang buhay na pwedi tamasin habang ikaw nasa ibang bansa, sa halip lahat ng kinikita mo kailangan ipadala sa mga mahal mo sa buhay.
Akala ng mga ibang tao madali, maganda, masagana at masaya ang buhay ng isang OFW. Dahil lamang sa nakikita nilang mga masasayang larawan na pinapadala sa kanila o nakikita nila sa mga web site ng iba’t ibang social networking. Ang hindi alam ng karamihan sa likod ng mga magagandang ngiti sa larawan.
Isa akong office staff sa isang construction company dito sa Saudi Arabia . Mula ng mapunta ako dito sa kaharian ng mga arabo, naka dalawang project palang ako. Marami kaming mga pinoy dito sa kumpanya namin. May mga bata pa na gaya o mas bata sa akin. Meron na ring medyo tumanda na at merong ding matanda na at ayaw pang mag retiro.
Marahil, yung iba naiisip nating mga kababayan iniisip nila kaya di umuuwi o nag reretiro yung mga ibang kasama namin na tumanda na dito dahil maganda at masarap ang buhay namin. Lingid sa inyong mga kaalaman nagtitiis lamang sila dahil dipa napapatapos ang kanilang mga anak.
Isa sa pangunahing trabaho ko dito ay bisitahin ang construction site. Para makita kung ano na ang progreso sa project. Kailangan gawin dahil parte ng trabaho. Pagka nag-iikot na ako sa site, naawa ako sa mga kapwa ko Filipino na nagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw. Hindi alintana sa kanila kung gaaano kainit at kahirap ang trabaho nila. Ang importante, may maipadalang pera buwan-buwan sa kani kanilang mga pamilya.
Minsan, pagka nag-iikot ako, sinusubukan kong makipag kwentuhan sa kanila habang nagtatrabaho. Lagi kong sinasabi ang init, mabuti nakaka yanin nyo? Ang sagot lamang nila “kailangan” at isang matamis na ngiti habang tinitignan ka.
Ayos sana kung ang matinding sinag ng araw lamang ang tiniis nila. Meron pang mga araw na napaka lakas ng sand storm. Pasalamant nalang kung na suspend ang trabaho pagka malakas ang sand storm pero malaking sakripisyo pagka hindi pinatigil.
Pagka nakikita ko gabi gabi ang mga kasamahan kong mga pinoy, Makikita mo sa kanila ang tindi ng pagod. At makikita mo nalang sa mukha nila na gusto na nilang mahiga at magpahinga. Pero, kailangan pa nilang maglaba ng kani kanilang mga damit. Meron pa nga sa mga kasama ko, inbes na magpahinga pagka tanghalian, naglalaba nalang sila upang pagka uwi nila sa kinagabihan, maglinis nalang ng katawan at matulog nalang ulit dahil isang nanamang umaga ang naghihintay sa kanila kinabukasan.
Ilang na ring tatay ang mga nakaka sama ko dito. Nagiging malapit ako sa kanila. Misan pati mga personal na nilang mga buhay naku kwento na nila sa akin. Pati mga hinanakit nila sa kanilang mga anak. Pero lahat tinitiis nila para lang mabigyan sila ng mga magandang buhay.
Bago pa ako nakaarating dito sa Saudi, may mga kaibigan akong at kilala na ang kanilang mga magulang ay nasa abroad. Madalas nakikita ko silang kumakain sa labas. Nood ng sine at mag shopping. Akala ko nun madali lang ang magtrabaho sa ibang bansa. Ang ganda kasi ng buhay nila. Ang dali nilang gumasta ng pera.
Ang masakit pa, lahat-lahat na ng hirap at pagtitiis ginagawa na naming mga OFW para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga pamilya ang problema may mga anak na di naka tapos ng pag aaral. Tanging yun lang naman ang magandang reward ng isang magulang nag hahanap buhay sa ibang bansa ang makita ang kanilang mga anak na naka tapos ng pag aaral.
Sa lahat ng mga makakabasa nito, mahirap ang buhay na isang OFW. Hindi dahil nakikita nyong naka ngiti sa mga larawan na may masarap na pagkain, ay masarap ng ang aming buhay. Minsan kailangan lamang ipakita na masaya kami para lang di kayo masyadong mag alala sa amin.
Sapat na yung alalahanin kami, hindi lang sa araw ng sweldo. Kung di sa bawat araw na lumilipas. Bilhin lamang ang kailangan at hindi yung gusto lang at tapusin ang pag aaral. Yun lang naman.
No comments:
Post a Comment